Was here with family. ❤ #familybonding #sunday #iphoneography #nofilter #sky #sea #manila #philippines #sunset #instaplace #instaplaceapp #travelgram #instagood #photooftheday #instamood #picoftheday #instadaily #photo #instacool #instapic #picture #pic @instaplaceapp #place #earth #world #philippines #pasaycity #seasideboulevard #street #night (at Seaside Boulevard)
- Me: Tangina kasi ba’t ‘di kita maipasa?
- Math: Tangina kasi mag-aral ka, ‘di ba?
Libre naman ang ngumiti ba’t ‘di mo magawa?
Banat ba ‘yan? Lol.
‘di ako nakaboto dahil ‘di ako nakapag-register. Pero buti ‘yun dahil magiging walang kwenta lang ang boto ko. ‘yung mga bwisit na bagong kumandidato bilang Senador, sila pa nanalo.
Ayoko na maging Pinoy kung sila lang din naman ang uupo sa gobyerno.
- Grace Poe
Sige na, tatay mo na nga si FPJ. Pero hindi ibig sabihin dapat ka nang maging Senator. Gagawin mo ‘yung dapat niyang gawin nu’ng tumakbo siya bilang presidente? Kaya mo ba? Ano ba alam mo? Ano ang kaya mo?
- Nancy Binay
Sige na, tatay mo na si VP Binay. Pero hindi ibig sabihin dapat ka nang maging Senator. Ano gagawin mo? Magiging OJT ka ulit ng tatay mo? Malamang alam mo ‘yung napabalitang kasama ang Pinas sa stupid country sa buong mundo. Nakakahiya – nakakahiya ka. Kung magaling ka talaga, hindi mo dapat ginamit ang apelyido ng tatay mo para lang manalo sa Senado. Mahiya ka naman, may asawa ka, kasal kayo, Angeles dapat ang gamitin mo. Eh, wala, eh. Takot ka agad na baka hindi ka manalo kung hindi mo ipagmalaki ang Binay na apelyido mo.
- Bam Aquino
Sige na, marami kang kamag-anak sa gobyerno. Apelyido mo pa lang, kilala na namin. Sa totoo lang, napakayabang mo. Sobra. Grabe talaga pagiging mayabang mo. ‘yung campaign ad mo na nagpatong ka ng hollow block, ‘di naman totoo ‘yun. ‘wag mo ‘ko lokohin, sa construction site ako nagta-trabaho. Tuyo na ‘yung nilagay na semento tas ‘yung picture mo tipong kalalagay mo lang? Utot mo. ‘wag ako. Kapit ka din masyado kay Pnoy.
- Cynthia Villar
Sige na, asawa ka ni Sen. Manny Villar. Ikaw din ang sikat na “Mrs. Hanep-Buhay”. Pero alam mo, pananalita mo pa lang ng “Hanep na ang buhay, dahil may hanep-buhay.”, halatang peke ka na, halatang plastic, halatang napipilitan. ‘yung masasabi ng tao na ganiyan ka lang sa ad mo pero sa totoo hindi. Baka nga hindi ka makalapit sa mga mahihirap ‘di tulad du’n sa ad mo na tinulungan mo sila. Malamang hindi lang alcohol ang ipahid mo sa katawan mo. Paano mo mapapatunayan na ikaw ang “Mrs. Hanep-Buhay?” Ano gagawin mo? Bibigyan mo ng trabaho lahaaaaat ng mga Pinoy na walang trabaho? Maniwala. Utot mo.
No offense sa mga pro sa kanila, ha? ‘eto kasi ang opinyon ko at ng iba.
Congrats sa inyo.
Pero seryoso hindi ko alam kung bakit Binay ang ginagamit ni Nancy kung Angeles naman pala ang apelyido niya. Nag-asawa pa siya. Malamang hindi siya mananalo kung Angeles ang gagamitin niya.
Gusto niya akong tulungan sa pag-aaral ko.
Siya ‘yung lalaking gagawin ang lahat para lang sa’kin hangga’t kaya niya. ♥
5-18-13
‘yung nakita ako ng mga OJT sa site, tas akala nila OJT din ako.
Ang sakit kaya. Mga ka-batch ko ‘yun, eh. </3
Friday, May 17, 2013,
‘yung biglaan na lang siya magyaya na gumala after work. Hihi. :”>
Sa sobrang excitement, ako pa ang nauna sa kanya sa labas ng Arya. Haha. “Ba’t ka gaya-gaya? Bakit ka naka-green?” tanong ko ‘to. Kasi naman, naka-green din siya. ‘di naman namin napag-usapan. Haha. :)
Since open na ang mall ng SM Aura, dagsa ang tao. Para bang ngayon lang sila nakapunta sa SM. Haha. Sale kasi kaya ganu’n. Punta dapat kami dito ni Jec pero tinamad ako dahil napakaaaaadami talaga ang mga tao. So, Market! Market! na lang.
Akala ko nasa SM Aura na lahat ng tao, ‘yun pala madami ding tao sa Market! Market! Nakipagsabayan sila sa sale ng SM. Nye. Haha.
Sa Pao Tsin ulit kami kumain. Sige na, ‘eto paborito namin. Mabilisang kain lang dahil napakadaming tao sa food court.
Bago bumili ng tickets, tinawagan muna ni Jec si Sir Tony, pinapasama kasi siya sa Bataan with Mr. Choi, owner ng Lenwon. Nagtext sa kanya si Sir Tony late na. May review siya dapat kinabukasan pero sasama siya sa Bataan. Sabi ko ‘wag siya pupunta, eh. Ang layo. Pero pinagbigyan ko, once lang naman, once lang sana.
Tumambay sa DQ. Nagpalipas ng oras, manunuod ng last full show ng The Great Gatsby. Kwentuhan to the max.♥
8:30PM, bumili ng snack, sa Potato Corner.
Watched The Great Gatsby. Ang ganda ng graphics kahit 2D lang, what more pa kaya kung 3D.
Past 12AM na ako naka-uwi. Halos hindi na niya ako makausap habang nasa biyahe. Antok na antok na talaga kasi ako eh. -_-
Ibang klase talaga siya. Sabi ko ‘wag na lang ako ihatid mismo sa bahay pero nagpumilit siya. Grabe ang effort. :*


